Pagtatalik The Act of Life ni Jacques Cousteau Isang libog – marikit na kaguluhan Ng alikabok at hangin Lumiit naging pulang lupa Nang tunaw at init Sa mga nakalipas na habagat at amihan Ang mundo ay sadyang bughaw Siya’y isang sapiro Umiiikot sa kalawakan Isang pagkaraos ng libog sa sihay Sa dagat ang bumuhay Siya’y nagromansa ng buhay at libog At buhay, ang dagta ng dagat Ay umapaw sa kalupaan Isang kadyot ng sihay Ay bumuhay sa maraming libog Mga larvae sa karagatan Sa punla at tamod ng mga pusit Sa paglalayag ng salmon Sa pagpapangako ng albatross Isang kadyot sa sihay Ang nagpalipad ng ating pangarap sa buwan Kay Marte, Venus at Jupiter At kinabukasan, didilig ng luha sa ibang mga tala Ang marikit na libog ng ating pag-ibig Na iniyakan ng araw at lupa Buhay- ang milagro ng dagat na ngayo’y ating hawak Buhay – naghihirap at nanganganib sa kanyang huling supling.
"It is surely harmful to souls to make it a heresy to believe what is proved" - Galileo