Noong nasa grade 6 ako, tinuruan kami ng aming guro sa Araling Panlipunan na sumulat gamit ang baybayin. Dito ko natutunan gumamit ng mga kudlit na nagpapahiwatig na ang mga baybay ay nagapahiwatig na ito kaparis ng isang patinig. Ang kudlit na "+" o ang virama sa wikang Ingles ay tinuturing na "vowel killer" ay inimbento ni Padre Francisco Lopez noong taong 1620. Ito ay unang ginamit sa Doctrina Christiana para sa mga Ilokano. Ngunit di ito naging malawak ang paggamit nito.
Ang pagsulat sa baybayin ay tuluyang nawala kahit na malawak ang paggamit nito ng mga prayle para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Sa siglong ika-18 bihira na makakita ng Pilipinong marunong sumulat sa baybayin. Higit na madaling matutunan ang mga titik Romano.
Ngunit, ngayon na madali ng magsulat ng baybayin gamit ang kompyuter, marami na ang nagkakaroon ng interes dito.
Ngayon may usapin na ibalik ang pasgulat sa baybayin. Ngunit marahil hindi na ito praktikal. Ngunit sa pagsasanay ko sa pagsulat, masasabi natin na madali palang gamitin ang baybayin.
Comments