Skip to main content

Kung bakit dapat maging wikang pambansa din ang Ingles

Isang kakatwang eksena ang nasaksihan ko sa isang pribabdong opisina kamakailan lang. Dalawang empleyado ang inatasang bigyan ng solusyon ang isang isyu tungkol sa logistics. Ang isa ang tubong Davao at ang isa ay taga Iloilo. Ang unang wika nila ay Cebuano (Bisaya) at Hiligaynon (Ilonggo). Ang dalawang wika ay halos pareho ngunit may mga katagang iba ang kahulugan sa isa't isang wika. Ginamit nila ang wika nilang kinalakihan at hindi sila nagkaintindihan. Ang nangyari tuloy ay gumamit na lang sila ng wikang Ingles!

Yung na nga rin ang sabi ko. Mag-English na lang kaya kayo!

At bakit di wikang Filipino ang ginamit nila? Sa totoo lang, marami pa rin ang hindi bihasa sa Filipino upang gamitin ito sa mga larangan tulad ng logistics. At hindi lamang sa mga larangang teknikal, sa mga biyahe ko sa ibat-ibat lugar sa Pilipinas, ang mga naka-paskel sa mga CR o palikuran tungkol sa pagtitipid ng tubig ay naka sulat sa

1)Wika ng rehiyon
2) Wikang Ingles
3) at minsa'y sa wikang Filipino

Sa Metro Manila, karamihan ng mga signs ay nasa Ingles. Bihira ang mga signs sa Filipino. Sa mga rehiyon, makikita natin ang signs sa wika ng rehiyon at sa Ingles. Bakit hindi sa Filipino?

Marahil ito ay dulot ng kasaysayan kung paano naging basehan ang Tagalog ng wikang Pambansa. Ang wikang Filipino ay inaasahan na kukunin ang mga kataga ng ibat ibang wika sa Pilipinas. Ngunit di pa ito lubos. Ang reklamo nga ng ibang mga taga Bisaya ay ang kanilang wika ay nagbigay lamang ng mga salitang "bastos" sa Filipino. Ngunit ayon kay Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining, ang salitang "Katarungan" ay galing sa mga wika sa Bisaya.

Alam ng karamihan kung bakit kailangan ang Filipino bilang wikang pambansa. Marami rin ang nakakabatid kung bakit kailangan ang wikang Ingles sa pamumuhay ng sambayanan. Ang nga ba ang estado ng wikang Ingles sa Pilipinas?

Sinasabi sa Artikulo XIV. seksyon 6,7 at 8 ng saligang batas ng 1987 ang patakaran ng Estado sa wika. Ang wikang Filipino ay hinirang na Pambansang wika at kailangan nito mapaunlad at mapayaman sa base ng mga wika sa Pilipinas. Ang wikang Ingles ay opisyal na wika kasama ng Filipino, hanggang pahihintulutan ito ng batas.

Maari bang gawin pambansang wika ang Ingles? Kitang kita naman na isa ito sa nagbubuklod ng maraming kultura ng Pilipinas.

May mga bansa na walang kinikilalang pambansang wika. Ang Estados Unidos ay ang pinakapamosong halimbawa. Ngunit ang Ingles at tinuturing na de facto na pambansang wika. Gayon din sa Gran Britanya. Ang ibang bansa na nasailalim sa kolonyalismo ay may pambansang wika na kinikilala ng saligang batas at ang wika ng colonial power ay itinuturing na wikang opisyal. Ang Namibia ay may 20 na wikang pambansa. Isa dito ay ang Ingles, Aleman, Afrikaans at ibang pang wika ng South Africa.

Sa kinsalukuyan ang wikang Ingles ay may opisyal na estado sa Pilipinas. Kahit na maaring magkaroon ng batas ang Pilipinas na tanggalan ng estado ang Ingles, malamang hindi ito mangyayari. Marami pa rin ang naniniwala na mahalagang bigyan ng official status ang Ingles.

Maaring maging pambasang wika ang Ingles kung kikilalanin ang wika na isa sa mga katangian ng pagiging isang bansa natin. Tulad ng wikang Kastila, ang Ingles ay isang wika na bumuo sa national identity ng Pilipino. Ang kakaibahan lamang sa Kastila ay higit na nakakarami ang naturan ng Ingles dahil sa patakaran ng colonial power na Amerika. Ang wikang Ingles sa kasalukuyan ay di na wika ng koloniyalismo ngunit wika na nang mga nagsasariling mga bansa at kinikilalang kasama sa kanilang kultura at panitikan.

Hindi pagbabawas sa national identity ang magkaroon ng dalawa o tatlong pambansang wika. Maari pa nga na gawin ding pambansang wika ang Bisaya, dahil marami ang nagsasalita nito at malaki ang binigay ng mga Bisaya sa kulturang Pilipino at sa pagka-Pilipino.

Kung gagawing pambasang wika ang Ingles, kakailanganin amiendahan ang saligang batas ng 1987.

Ang tanong lamang ay kung ang mga "makabayan" na naniniharan sa Metro Manila at sa UP Diliman ay papayag at sasangayon! Alam ba ng mga "makabayan" kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Pilipino?

Comments

Popular posts from this blog

Simoun's lamp has been lit, finally.. not by one but by the many!

"So often have we been haunted by the spectre of subversion which, with some fostering, has come to be a positive and real being, whose very name steals our serenity and makes us commit the greatest blunders... If before the reality, instead of changing the fear of one is increased, and the confusion of the other is exacerbated, then they must be left in the hands of time..." Dr Jose Rizal "To the Filipino People and their Government" Jose Rizal dominates the Luneta, which is sacred to the Philippine nation as a place of martyrdom. And many perhaps all of those executed in the Luneta, with the exception of the three Filipino secular priests martyred in 1872, have read Rizal's  El Filibusterismo . Dr Rizal's second novel is a darker and more sinister one that its prequel but has much significance across the century and more after it was published for it preaches the need for revolution with caveats,  which are when the time is right and who will in...

Leonard Co (1953-2010), Filipino botanist

With much sadness and shock I learned from WWF chair Lory Tan that internationally renowned botanist Leonard Co was killed together with a guide and a forest ranger last Monday, 15 November in a firefight in Leyte between Armed Forces of the Philippines soldiers and Communist guerrillas. As the Philippine Daily Inquirer reports it ,  Co and his researchers were surveying a forest plot of the Energy Development Corporation (EDC) for native Philippine trees and plants especially those that are in danger of extinction, like this Rafflesia flower (the picture I got from Dr Julie Barcelona's blog . Thank you Julie) The 41 year old Communist insurgency has again claimed another life of the best and brightest of the Philippines. In Leonard Co's case, a bright life that cannot be replaced. For he was one of if not the last of  the classically trained botanists in plant taxonomy and systematics in the Philippines. While one can learn the basics of these disciplines i...