Skip to main content

Estado ng Agham sa Pilipinas (State of Science in the Philippines)

Palagiang pinaguusapan sa Pilipinas ang kakulangan ng edukasyon sa agham. Ang kakulangan at kahinaan ng "basic science education" at iniuuganay sa mahinang pagusod o pagunlad ng ekonomiya ng bansa. Ito ay nakakabit sa sitwasyon ng agham sa bansa.

Sinasabi ni Propesor Flor Lacanilao, dating Chanselor ng Unibersidad ng Pilipinas sa Kabisayaan at direktor ng Southeast Asian Fisheries Development Center Aquaculture Department (SEAFDEC-AQD) sa Tigbauan, Iloilo na nakikita ang kakulangan ng ating agham dahil ang mga siyentipiko ay di nagpapalimbag ng resulta ng kanilang pananaliksik sa mga pandaigdigan na journals. At dahil dito nahuhuli ang komunidad ng mga siyentipiko sa Pilipinas sa pagunlad ng pandaigdigan na agham.

Ang ugat ng kahinaang ito ay may politikal na aspeto. Ani ni Prop. Lacanilao, ang mga kasapi ng Pambansang Akademya ng Agham at Teknolohiya (National Academy of Science and Technology) ay di naman nagpapalimbag ng kanilang pananaliksik. Sa panananaw ni Lacanilao, sa Gran Britanya, Estados Unidos at mga bansa sa Europa ang mga miyembro ng pambansang akademya sa agham ay lahat nagpapalimbag ng kanilang pananaliksik. Ang mga "published scientific papers" ay nagiging basehan ng paglililok ng mga bagong teknolohiya. Ang mga bagong teknolohiya ay ang makina ng pagunlad ng ekonomiya dahil ito'y basehan ng mga bagong hanapbuhay sa loob ng Pilipinas.

Ang malungkot na katotohanan ay ang NAST ay ang magbibigay mungkahi sa Pangulo ng Pilipinasd sa mga isyu tungkol sa agham, ani ni Lacanilao

Sa larangan ng pagtuturo ng agham, ang kawalan ng pananaliksik ay nagbabatid ng kaalaman sa agham na nangagaling lamang sa mga textbooks. At batid natin na ang mga aklat na ito ay maraming mali, lalo na sa mga konsepto at teorya ng agham. Ito ay marahil hindi naiuugnay ang mga kaalaman sa umaasensong kaalaman ng pandaigdigang agham.

Dapat mabatid ng mga kinauukulan na ang pagunlad ng agham ay nagkakabit sa pagpapalimbag ng pananaliksik.

Paano ba mababago ang pananaw ng nakakarami sa komunidad ng agham? Marahil ang pananaliksik sa doktorado ng isang nagdalubhasa sa sociology ng agham sa Pilipinas, si Propesor Marcus Ynalvez ng Texas A&M sa Laredo, Texas EU ay makakapagbigay ng kaliwanagan.

Sabi ni Dr Ynalvez ang dahilan ng kahinaan ng agham sa Pilipinas ay may aspetong kultural. Kung mapapabuti ang "mentoring" ng mga estudyante, malamang uunlad ang estado ng agham sa Pilipinas.

Kaya lamang ang magagaling nating siyentipiko na mag-mementor ng mga estudyante ng agham at pananaliksik ay wala sa Pilipinas.

Nakakalungkot, di ba?

Comments

Deany Bocobo said…
Ang nakakalungkot ay ang ganiring mga halimbawa ng ating pamimilit na "puwede rin naman" ang Tagalog sa usaping hinggil sa agham. Malungkot, sapagkat hindi yata nakikita niring manunulat na walang agham na hindi nakatuntong sa balikat ng ibang taong karamihan ay hindi naman bihasa sa salitang iri. At dahil dito, walang ring ibang taong kayang tumuntong rin sa balikat ng manunulat upang isulong ang isang gawaing wala namang kinalaman sa nasyonalismo or kulturang pambansa lamang. Ang gawaing makaagham ay gawain ng tao. Naaalaala mo kaya ang kuwento ng Babel?

Ang isa pang kahangalan ay ang maling pagiisip na puwedeng magimbento o magbuo mula sa pirapirasong wika, ng isang "wikang pambansa". Kaya nga Frankenstein lumalabas ang salita ng mga pinoy, iyong Taglish na nakasasama talaga sa pagunlad ng bayan.

Iyon ang gusto ninyong mga nasyonalista kuno. Matagal na. Iyon rin ang patakaran ng mga Kastila upang bilangguin tayo ng sarili nating lubid at tanikala.

Kawawa!
Deany Bocobo said…
Mas maganda: "Ang Kalagayan ng Agham sa Pilipinas." Karaniwang gamit ng "estado" ay pantukoy sa mga republika at pamahalaan. Kung mag-Tatagalog na lang din, wastong balarila naman ang gamitin!
Ben Vallejo said…
Dapat mong mabatid na ang salitang "Estado" ay nasa lexicon ng Filipino.

Amg wika ay nagiiba sa paglipas ng panahon. Itanong mo sa mga magaaral
ng linggwistiks.

Ang hindi ko ma gets ay bakit ang mga elitista (na palagay ko ay kasapi ka at ako) ay di matanggap ang pagbabago lahat ng aspeto ng wika kasama na ang orthograpiya?

Hindi ko rim mauunawaan na ang paggamit ng wikang pambansa ay nagkakahulugan ng "nasyonalismo". Ang "nasyonalismo" ay pwedeng maipabatid ano mang wika ang kailangang gamitin.

Ang mga ganitong pananaw at opinyon ang nagbibilanggo sa bayan. Hindi ang paggamit at pagbabago ng wika.

Ang Filipino ay pwedeng maging wika ng Agham o siyensia (kung ang ortograpiya ng Latin ang nais natin gamitin). Ang Latin ay dating wika ng agham ngunit napagago naman natin kung inaakala natin na ang wikang Ingles ay di maaring maging wika ng agham. Hanggang ngayon malaki ang impluensiya ng Latin sa Ingles sa agham.

Walang problema kung ang mga salitang Latin at Griyego ay gagamitin sa agham.

Popular posts from this blog

Simoun's lamp has been lit, finally.. not by one but by the many!

"So often have we been haunted by the spectre of subversion which, with some fostering, has come to be a positive and real being, whose very name steals our serenity and makes us commit the greatest blunders... If before the reality, instead of changing the fear of one is increased, and the confusion of the other is exacerbated, then they must be left in the hands of time..." Dr Jose Rizal "To the Filipino People and their Government" Jose Rizal dominates the Luneta, which is sacred to the Philippine nation as a place of martyrdom. And many perhaps all of those executed in the Luneta, with the exception of the three Filipino secular priests martyred in 1872, have read Rizal's  El Filibusterismo . Dr Rizal's second novel is a darker and more sinister one that its prequel but has much significance across the century and more after it was published for it preaches the need for revolution with caveats,  which are when the time is right and who will in...

Kung bakit dapat maging wikang pambansa din ang Ingles

Isang kakatwang eksena ang nasaksihan ko sa isang pribabdong opisina kamakailan lang. Dalawang empleyado ang inatasang bigyan ng solusyon ang isang isyu tungkol sa logistics. Ang isa ang tubong Davao at ang isa ay taga Iloilo. Ang unang wika nila ay Cebuano (Bisaya) at Hiligaynon (Ilonggo). Ang dalawang wika ay halos pareho ngunit may mga katagang iba ang kahulugan sa isa't isang wika. Ginamit nila ang wika nilang kinalakihan at hindi sila nagkaintindihan. Ang nangyari tuloy ay gumamit na lang sila ng wikang Ingles! Yung na nga rin ang sabi ko. Mag-English na lang kaya kayo! At bakit di wikang Filipino ang ginamit nila? Sa totoo lang, marami pa rin ang hindi bihasa sa Filipino upang gamitin ito sa mga larangan tulad ng logistics. At hindi lamang sa mga larangang teknikal, sa mga biyahe ko sa ibat-ibat lugar sa Pilipinas, ang mga naka-paskel sa mga CR o palikuran tungkol sa pagtitipid ng tubig ay naka sulat sa 1)Wika ng rehiyon 2) Wikang Ingles 3) at minsa'y sa wikang Filipino S...

Leonard Co (1953-2010), Filipino botanist

With much sadness and shock I learned from WWF chair Lory Tan that internationally renowned botanist Leonard Co was killed together with a guide and a forest ranger last Monday, 15 November in a firefight in Leyte between Armed Forces of the Philippines soldiers and Communist guerrillas. As the Philippine Daily Inquirer reports it ,  Co and his researchers were surveying a forest plot of the Energy Development Corporation (EDC) for native Philippine trees and plants especially those that are in danger of extinction, like this Rafflesia flower (the picture I got from Dr Julie Barcelona's blog . Thank you Julie) The 41 year old Communist insurgency has again claimed another life of the best and brightest of the Philippines. In Leonard Co's case, a bright life that cannot be replaced. For he was one of if not the last of  the classically trained botanists in plant taxonomy and systematics in the Philippines. While one can learn the basics of these disciplines i...