Thursday, July 01, 2010

Presidente Blues

Ngayon na narinig ko unawit sa Presidente Noy sa Kyusi Circle kagabi. Ito ang handog ko sa kanya

at humihingi po ako ng paumanhin kay Ka Freddie Aguilar

Presidente Blues

Ako ang nakikita
Ako ang nasisisi
Ako ang laging may kasalanan

Pagising sa umaga
Batikos ang almusal
Bako pumasok sa Palasyo

Kapag nanganatwiran
Ako'y pagagalitan
ng mga periodistang walang alam gawin

Ako'y sunudsunuran
Ayaw man lang pakinggan
Nasasaktan ang damdamin


REFRAIN

Ako'y walang kalayaan
Sunod sa SWS lamang!

II.

Pagpunta sa Batasan
Diretso na sa SONA
Wala namang akong aabutan!

Wala na dun si Nanay
Wala na rin si Tatay
Si Jojo ang naghihintay!

Tatawag si Obama
Gusto niyang sumama
Lagot na naman paglarga!

At 'pag nangangatwiran
Ako'y titirahin
Ng Kaliwang walang alam gawin!

[Ulitin ang Refrain]
[Ulitin ang I]
[Ulitin ang Refrain]

Si Marcos ang nakikita
Si Erap nasisisi
Si Gloria ang laging may kasalanan!

No comments: