Skip to main content

Posts

Showing posts with the label ancient scripts

Baybayin sa kompyuter

Ngayon na na pukaw muli ang aking interes sa lumang pasulat, natutuwa ako na naka-download ako ng true type font (TTF) na walang bayad ng baybayin mula sa web. Paumanhin lang po kung may pagkakamali ang pagsulat ko sa baybayin. Huli akong gumamit nito ay noong nasa paaralang elementarya pa ako. Sinubukan ko paglaruan ang TTF. Ito ang pinakapaborito kong awit ni Florante (na palagiang naming iniaawit noong nasa ika-3 baitang kami) na nakasulat sa baybayin. Noong nasa grade 6 ako, tinuruan kami ng aming guro sa Araling Panlipunan na sumulat gamit ang baybayin. Dito ko natutunan gumamit ng mga kudlit na nagpapahiwatig na ang mga baybay ay nagapahiwatig na ito kaparis ng isang patinig. Ang kudlit na "+" o ang virama sa wikang Ingles ay tinuturing na "vowel killer" ay inimbento ni Padre Francisco Lopez noong taong 1620. Ito ay unang ginamit sa Doctrina Christiana para sa mga Ilokano. Ngunit di ito naging malawak ang paggamit nito. Ang pagsulat sa baybayin ay tuluyang n...